Ang Alamat Ng Counting Stars

“Ang ganda naman ng kantang ‘to,” sabi ni Chelly sa aming dalawa ni Ace. “Gusto n’yong pakinggan?”

“Yung ano, Chel?” tanong ni Ace na nakaupo sa kanyang kaliwa.

Counting Stars,” sagot nya naman.

Iginulong ni Ace ang kanyang upuan papalapit para isaksak ang earphones nya sa cellphone ni Chelly. Ako naman eh may naisip na hirit kaya bigla kong sinabi:

“Counting Stars? Yan ba yung Let’s waste…

Nakuha agad ni Ace na Chasing Cars yung ibig kong sabihin, kaya sinabayan nya yung kanta ko:

…time, counting stars..

Si Chelly, na nung mga panahong yun eh magkahalong pagod, pressured, at frustrated na sa test data issue na tina-troubleshoot nila mula pa kanina, eh tinanong na lang sa kin kung makikinig ba daw ako.

“Oo,” sabi ko.

“O, nasaan na yung splitter mo?”

Ah, tama; yung mahiwagang splitter ko na kayang saksakan ng limang earphones. Nabili ko yun sa CDR-King, at ilang beses na rin naming nagamit yun pag kelangan marami kaming makikinig sa iisang audio source.

“Ay teka, kunin ko lang,” sagot ko kay Chelly. Pagkakuha, lumapit na ko sa kanilang dalawa, at naupo sa upuan ni Cleng.

Eto na, game na. Lingid sa kaalaman ni Chelly, hindi lang stars ang ika-count nya in a few minutes.

Kaninang umaga, nag-usap kami nina Ace, Cleng, Enjel, at Vince, para sa pinaplano naming lakad bago mag-Christmas vacation. May plano na kanina, at bukod pa dun, nakabili na rin ako ng ireregalo namin kay Chelly. Yun nga lang, habang lumalalim ang gabi, parang hindi na yata matutuloy yung Christmas party ng Stream 1.

Pero di rin ibig sabihin nun na tapos na ang lahat.

“Ah, alam ko na,” sabi ko habang nilo-load na ni Chelly yung video, “Yan yung But are we counting stars, trying to light up the dark..

Nakuha din ni Ace na yung kantang Lost Stars yung pinupuntirya ko, galing sa movie na Begin Again, kaya sinabayan nya din yung hikahos na pagkanta ko nung high-pitch na part nung song:

I thought I saw you out there crying…

Ayun, nagsimula na mag-play yung music video.

“Ano yung sad face, Kuya Ed?” tanong ni Ace sa akin.

“Ahh. Yung post ni Chelly kanina sa Instagram,” sagot ko.

“Ba’t ka sad face, Chel?” tanong naman ni Ace kay Chelly.

“O nga, bakit?” dagdag ko naman, “Pano magiging happy face yung sad face na yun?”

Naka-ilang ulit kami ng tanong ni Ace hanggang sa napansin ni Chelly yung smiley face cut-out na dinikit ko sa bag niya kanina. “Ano ‘to?” tanong nya pagkapulot nito. Okay na sana…

…kaso dedma lang siya, dahil pinatong nya lang sa desk nya yung cut-out. Haha. Mukhang matatagalan ‘tong skit na ‘to ah.

Dinikit uli ni Ace yung cut-out sa bag, at sinubukan namin ituon yung atensyon ni Chelly sa pagbukas ng bag nya.

“Baka para maging happy ka,” sabi ko, “eh dapat maging OPEN ka. O…PEN…

Naka-ilang ulit ako ng linyang ‘to.. kaso dedma talaga!

“Di naman kayo nakikinig nung kanta eh..” sabi ni Chelly.

Alam namin pareho ni Ace na kelangang ibahin na namin yung atake. Kinuha ni Ace ang bag nya, at paulit-ulit na binukas-sara yung zipper nito.

“Bakit mo binubuksan paulit-ulit yung bag mo?” paulit-ulit ko din na tanong kay Ace, “Anong meron?”

Si Chelly eh halong natatawa na nawe-weirdohan na sa aming dalawa. Kaso di pa rin nya talaga makuha. Matapos ang pang-lima yata na ulit nung latest skit namin, tinanong na sya ng diretso ni Ace.

“Buksan mo rin kaya yung bag mo? Hehee..

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Chelly, “ano bang meron sa.. oh!”

Ilalim na bahagi ng isang simpleng gift bag ang bumungad sa harapan nya. Binili ko yun sa palengke kaninang umaga.

“Ano to..?” Tumutugtog pa rin yung Counting Stars sa phone ni Chelly, at suot-suot pa rin naming tatlo yung earphones namin. Sa tindi siguro ng stress ni Chelly nung araw na yun, natigilan sya sa kakaibang pangyayaring ito. Kitang-kita ko na unti-unti ng namumugto yung mga mata nya, at nagsisimula ng maging putol-putol yung pagsasalita nya.

Saktong chorus na nung buksan nya yung gift bag, at tuluyan ng bumuhos ang luha nya nung mag-Hello! sa kanya yung regalo namin.

“Etong-eto yung wish ko eh!!!”

Ang sarap sa pakiramdam nun, na sa dinami-dami ng pagpipilian, nasaktuhan ko yung design na gusto din nya. Para sa ‘kin, yun yung magic na meron sa Pasko; yung mga tipong pagkakataong tsamba, pero sobrang nagbibigay ng saya. At kahit na ang haba nung skit na ginawa namin ni Ace, sobrang sulit matapos makita yung reaksyon ng niregaluhan namin.

“Nice one, Kuya Ed,” sagot ni Ace sa kin habang inaapiran ko siya. Patuloy pa rin tumutugtog yung Counting Stars sa background.

-Ed. E.

Advertisements

2 thoughts on “Ang Alamat Ng Counting Stars

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s