Lumingon Ka Ngunit Kulang

Tahimik na nagta-trabaho si Leslie; nakikinig ng mga MP3 sa kanyang telepono gamit ang suot-suot na earphones. Tahimik ang mundo sa kanyang paligid. Sa puntong yun, siya ay nasa kabilang dimensyon, abala sa gawaing kailangan niyang tapusin.

“Ate Les.. Ate Les..” bulong ng ilan sa kanyang mga kasama. Isang pangyayari ang kasalukuyang nagaganap, na nais sana nilang makita niya.

Ngunit patuloy lang si Leslie sa kanyang ginagawa. Wala siyang ibang naririnig kundi ang tumutugtog na kanta sa kanyang tenga.

Tonight
We are young
So let’s set the world on fire
We can burn brighter than the sun

“Ate Les! Leslie! ATE LES!” malakas na ang pagtawag namin noon kay Leslie, ngunit daig pa namin ang kausap ang hangin. Alam naming anumang segundo ay pwedeng mawala ang nakikita namin. Nagmamadali na kami sa pagtawag; napapakali na kami.

Carry me home tonight (Nananananana)
Just carry me home tonight (Nananananana)
Carry me home tonight (Nananananana)
Just carry me home tonight (Nananananana)

Inalog ng pinakamalapit sa kanya ang dulo ng upuan ni Leslie para makuha ang kanyang atensyon. Sa puntong yun, dahan-dahang bumalik ang diwa ni Leslie sa mundong ginagalawan naming lahat. Unti-unti niyang tinanggal ang kanyang earphones. Kaming lahat naman ay nakaturo ang mga daliri sa iisang direksyon, na wari’y minamadali namin siyang tumingin doon.

Ngunit sa kanyang paglingon, nag-iba na ang tanawin. Ang tanging lumabas sa kanyang bibig ay “Ha? Ano yun?

Hindi mapigilan ang aming pagtawa sa nangyari. Ipinaliwanag namin kay Leslie kung anong meron, kung bakit namin siya tinatawag. May kaunting bahid ng panghihinayang na maaaninag sa mukha ng dalaga.

Lumipas na ang panahon. Nagdaan na ang pagkakataon. Paminsan-minsan, hindi mapigilan ni Leslie na lumingon sa dako paroon. Naghihintay… naghihintay. Kailan nga kaya niya muling masisilayan, ang kaganapang nauwi sa kawalan?

Tahimik na nagta-trabaho si Leslie; ngunit tahimik na ring naghihintay, nagmamasid sa kanyang paligid.

 
-Ed. E.

Advertisements

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s