Dinuguan

Sa tuwing magkakaroon ng pagtitipon ang barkada, asahan mo na may kwentuhan, at hindi maiiwasang pagbabalik-tanaw. Gaya ng ginawa namin nung isang Linggo ng gabi, bilang pag-gunita sa Pasko ng Pagkabuhay. Wala ang mga laging kasama sa mga lakad. Yung isa eh nasa bahay pa raw, yung isa eh nagpapahinga, at yung isa naman eh maaga pa raw ang pasok kinabukasan. Ang mga nakadalo lang ng araw na yun eh ako, si Mark, si Nolan, at si Dhene.

Sabi ko nga kanina, sa tuwing may lakad, asahan mong kasama ang pagbabalik-tanaw. Napagusapan namin ang mga dating naging kaklase, yung mga guro namin dati at ang mga pamosong linya nila na nakakaaliw, yung mga outing na ang sarap balik-balikan, at yung kamag-aral namin na ang tawag ng iba sa suot nya eh “Value Meal”. Di ko pa rin talaga maalala sino yung taong yun.

Isa sa mga pangunahing napagusapan namin ng gabing yun eh yung mga kaklase namin na me kanya-kanya ng pamilya. Yun, at yung mga pinaggagagawa namin sa blackboard namin nung araw. Habang nagkukuwentuhan, pinagsaluhan namin ang pagkaing hinanda sa amin ni Dhene. Isa sa mga nakahain ay dinuguan, na kaya ko nalamang dinuguan yun eh dahil naging ugali ko ng magtanong kung hindi ko makilala ang pagkain na nasa harap ko. Nung sinabi sa ‘king dinuguan yun, nabanggit ko na hindi ako kumakain ng dinuguan. Ganun din naman yung sinabi ni Nolan. Nung iniisip na namin kung ano ang dahilan namin, ang nabigay lang namin na rason eh hindi kami nasanay sa pagkaing ito, o hindi lang kami nagkaroon ng pagkakataon na matikman ‘to nung kabataan namin. Ika nga ni Dhene, hindi lang siguro namin “acquired taste” ang dinuguan.

Nang mapunta ang usapan namin sa mga kaklase naming may pamilya na, naging pangunahing paksa ang isa naming kaklase na tila nag-iba na ng itsura, mula pa nung kabataan namin. Ang sabi nga namin, hindi naman masama ang hitsura nya. Mangyari lamang, ang taray kasi ng mukha nya noon. Ganun pa man, kahit nasabi namin yun, hindi naman kami nagkagusto sa kanya nung panahong yun. Gaya ng dinuguan, di kami nagkaroon ng “acquired taste” sa kanya.

Kinuwento rin sa amin ni Nolan nung dati siyang nag-apply sa isang sikat na fastfood chain. Sinabihan siya kaagad ng nag-interview sa kanya na ilalagay siya sa kusina. Ipinagtapat sa kanya nito na ang dahilan kung bakit kitchen duty siya eh dahil sa wala daw siyang itsura. Tulad ng dinuguan, hindi pa nga nasusubukan, nahusgahan na kaagad ng negatibo.

Ilang beses na siguro nangyari sa atin ang ganito. Isang tao na lagi mong nakikita sa araw-araw, pero makalipas ang ilang taon, bigla na lang magiging iba ang tingin mo sa kanya. Bigla na lang siyang gumaganda sa paningin mo, o maari rin namang bigla ka na lang magsasawang makita sya. Minsan naman, dinadahilan natin ang “acquired taste” para hindi subukan ang isang bagay, o para magustuhan ang isang tao. Hindi ko pa nagawa ‘to, kaya bakit ko gagawin? Hindi sa ayoko sa ‘yo, pero hindi kita gusto. Prejudice yata ang tawag sa ganito sa Ingles.

Malabo kung iisipin, pero patunay lamang ‘to kung papano nagkakaiba ang bawat tao sa mga maaari nyang magustuhan, at kung gaano kababaw minsan ng mga dahilan kung bakit nya ito hindi gusto. Bagama’t maganda ang manindigan sa iyong pinapaniwalaan, hindi rin naman mabuti ang mabuhay ka na mapanghusga sa lahat ng makakasalamuha mo, dahil lamang sa baguhan ito sa panlasa mo. Bago mo husgahan o i-reject ang isang tao, bagay, o ideya, pag-aralan mo muna itong mabuti. Alamin mo kung ano ito, saka mo bigyan ng iyong pag-husga.

 

Yun nga lang, hindi mo pa rin talaga ako mapapakain ng dinuguan.

 

You know class, everytime I enter this classroom… I feel rejected.
-Emo quote ng isang H.S. English teacher

 
-Ed. E.

Advertisements

2 thoughts on “Dinuguan

  1. Oi sinung teacher naman yan?? Hindi sa classroom namin yan ah.. Si Petersen ba yan?? =P

    Yung Value Meal si Angelo David ata yun.. =P

    Mga dugong bughaw kasi kayo ni Nolan kaya hindi kayo nakain ng dinuguan.. ahaha..

    Yung babaeng yun.. hmmm, sinu nga ba sa mga yun.. ahehehe..

    Like

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s