Sira Na Naman!

Ang hirap nung pakiramdam kapag di mo alam kung papano nangyari ang isang problema, kaya hindi mo rin alam kung paano ‘to sisimulang ayusin. Yung tipong nananahimik ka lang tapos bigla na lang titigil ang mundo mo dahil sa isang aberya na di mo sigurado kung papano nag-simula.

Nitong huling linggo lang, nagkaproblema na naman ako sa PC ko. Gaya nung sinulat ko kanina lang, nananahimik ako sa harapan ng PC ng biglang KABOOM– sumambulat sa monitor ang isang BSOD.  Inisip ko nun na memory na naman siguro problema nito. Mukhang ganun na nga, dahil pagka-restart ko ng PC, napansin kong iba na ang sinasabing RAM size nito. Tsk. Pahirapan na naman ‘to. Ang kadalasan ko kasing ginagawa nun eh ang pagtanggal-kabit nung RAM modules, minsan pagpapalit ko pa ng pwestong paglalagyan.

At nagsimula na naman ang isang nakakabugnot na gawain. Me mga araw na konti ang tulog ko dahil sa kakaabang kung ang nagawa kong kumbinasyon eh sapat na para tumuloy ang startup ng PC. Kaso, maka-ilang ulit akong bigo.

Humingi ako ng payo sa iba kong kaibigan tungkol sa mga pwede kong gawin pa, pakiramdam ko kasi nun eh natanggal-kabit ko na lahat ng piyesa sa CPU na pwedeng tanggalin at kabitin. Pinayo sa ‘kin ng isa kong kabarkada nung High School na mag-reformat na lang ako, dahil mukha na ring OS ang problema ko. Buti na lang, hindi tulad ng mga naunang pagkakataon, mas handa na ko. Sa tulong din ng kaibigan kong yun, nailipat ko sa isang External Drive yung mga importanteng laman ng Drive C: partition ko. Matapos nun, nag-format na ko.

Kaso, ganun pa rin ang problema pagka-uwi ko ng bahay. Di ko na yata talaga kayang pagpaliban pa: mapapabili ako ng bagong RAM. Nitong mga huling araw lang, naghahanap ako ng pwedeng pagbilhan. Isang kaibigang Trender naman ang tumulong sa kin sa paghahanap ng mga lugar na pwedeng pagbilhan. Ilan sa mga nabanggit nya eh yung sa Gilmore, kaya dun ako tumuloy.

Ang dami kong napuntahang shop, pero nung araw na yun, isa lang ang nagbebenta ng 512 MB PC133 SDRAM  na kasya sa budget ko. Nagdadalawang-isip pa ko nun dahil secondhand yung binebenta nila, pero naisip ko na rin na sayang naman kung walang mangyayari sa lakad ko. Meron naman silang policy na 1 month replacement, at na-test naman namin na gumagana, kaya bumili ako ng dalawa.

Heto ngayon, nagagamit ko na uli ang PC ko. Siyempre, kinelangan ko munang mag-install ng OS, pati na rin nung mga ginagamit kong software. Hindi ko alam kung, ika nga ng kasabihan, panandaliang ligaya lamang ito. Kung titignan mo rin naman kasi, luma na rin yung PC ko. Pero sa ngayon talaga, hindi ko pa naiisipang bumili ng bago. Hangga’t nagagamit ko ito para sa mga pang araw-araw na gawain ko, kuntento na ko. Me ilang piyesa na rin naman akong tinitignan, pero sa ngayon, wala pa kong planong magpalit ng bago. Maliban na lang siguro kung sa susunod na pagkakataon eh lahat na ng pwedeng masira eh masira na. Aba’y ibang usapan na yun.

 
“Two fathers, two sons.”
“Tatlong tao lang yun?”
“Oo. Yun yung papatunayan mo”
“Hindi, mali naman yung tanong eh..”
“Tama yun..”
“Hindi… dapat two FATHER, two sons.”

-usapan sa LRT Gilmore station

 
-Ed. E.

Advertisements

2 thoughts on “Sira Na Naman!

  1. bili ka ng matinong Power Supply, ung mga worth P3000 pataas.

    Generic power supply ang pinaka main cause ng sirang memory at iba pang mga laman ng CPU :D

    Like

    • “Whoa. That’s really intense! Only you and I know what that’s really like! ….That’s the price of fame, folks.”

      -Jay O’Brian

      hehe. pambihira, nakalimutan kong isama sa budget yung power supply. kasama na ngayon yan sa pag-iipunan ko :D

      Like

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s