Delubyo sa Likod ng Telon

Nakaka-ilang panood na rin ako ng mga sine na ang tema eh naka-sentro sa kahahantungan ng mundo ilang taon, o dekada mula sa araw na ‘to. Ilan sa kanila eh interesante, me ilang nakakatakot, at ilan namang parang ang labong paniwalaan na pwedeng mangyari. Eto yung ilan sa mga naalala ko hanggang ngayon:

The Day After Tomorrow [2004]

-sabi ng mga “eksperto”, malabo daw magkaroon ng isa na namang Ice Age, pero ewan ko lang ah, kadalasan naman mas madali para sa atin ang sabihin na imposible ang isang bagay, para lang maiwasan natin ‘to. Nagustuhan ko ang pelikulang ‘to kasi walang pinakitang ginawang solusyon, o inimbentong makina para pigilan ang delubyo.

Knowing [2009]

-pagkatapos kong mapanood ang pelikulang ‘to, nabagabag ako dahil kung saka-sakali man, ganun-ganun lang at masusunog lang ang planet Earth. Palabas na ako ng sinehan nun, iniisip ko pa kung ano nga bang pinaggagagawa ko sa buhay ko? Ke ililigtas yung ilan sa ‘tin ng aliens o hindi, hindi maiiwasan na sa ganung sitwasyon, burado ang malaking porsyento ng mga tao.

2012 [2009]

-Ahhh.. marami ang nagnais mapanood ang palabas na ‘to, kasi naman ang tindi nung mga poster nito. Kahit sa sinasakyan kong LRT, nakabalandra ang mga salitang “We were warned“. Dapat nga ba natin seryosohin ang mga prediksyon na nagmula pa sa lumang panahon? Isa sa mga di ko nagustuhan eh yung pagkakaroon ng mga hi-tech na “Noah’s Ark”. Sa ganun katindi na pagkasira ng mundo, ang hirap paniwalaan na me mga maliligtas pa.

The Age of Stupid [2009]

-isa ‘tong documentary tungkol sa isang Archivist sa malayong 2055, na pinipiraso ang mga ebidensya ng mga “nagdaang” taon, at tinatanong sa ‘tin kung bakit wala tayong ginawa tungkol sa mga nangyayaring pagbabago ng klima, gayong nasa kamay naman natin para mapigilan ito.

Pandorum [2009]

-sa sobrang lala na ng Earth, hinalugad natin ang buong Universe para makahanap ng isang katulad na mundo. Sumabog pa nga daw yung Earth dun eh. Nakahanap din naman daw tayo ng bagong matitirhan, pero sa isip-isip ko, kung hindi naman tayo matututo sa mga nagawa nating pagkakamali sa kalikasan, malaki ang probabilidad na magpapaulit-ulit lang ang trahedya.

Sunshine [2007]

-nag-yelo na ang mundo, pero dito naman, ang sanhi eh ang paghina ng pagsikat ng araw. Ang solusyon eh ang pagpadala ng isang bomba dito, para magsimula ng chain reaction na bubuhay uli sa unti-unting namamatay na araw. Hindi ko lang sigurado kung magiging posible nga para sa ‘tin ang makabuo ng ganun ka-garang sasakyang pangkalawakan balang-araw. Ba’t di na lang ginugol ang perang yun sa pagpapasaayos ng kalikasan?

 

Ilan lang ‘to sa mga napanood kong sine nitong mga huling buwan. Napansin ko lang na parang ang lakas ng appeal sa ‘tin ng mga palabas na tungkol sa paggunaw ng mundo. Excited na ba tayong dumating ang araw na yun?

-Ed. E.

Advertisements

2 thoughts on “Delubyo sa Likod ng Telon

  1. Sa tingin ko, mas magandang isipin na lamang natin na babala ito para sa lahat.. Maging malayo man ito sa katotohanan o hindi… Kailangan pa rin nating isipin kung anu mangyayari sa mundo natin kapag napabayaan natin toh…

    Baka manood ako ng 2012 next week… hehehe

    Like

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s