Bakit Meal

Minsan talaga, anuman ang gawin mong pag-iwas, darating at darating ka sa puntong makakaharap mo ang palaisipang mag-uudyok sa ‘yo para tumigil, at magnilay-nilay.

Matapos ang isang nakakabusog na almusal ng samu’t-saring ulam, kanin, at kakanin na nakalatag dun sa malaking mesa sa gitna, nagsibalikan na kami sa mga kanya-kanya naming pwesto, at pinagpatuloy ang mga bagay na kelangan naming gawin. Sa gitna ng paghihintay sa pag-usad ng oras, at ng mga makinang nasa harapan namin, samu’t-saring mga paksa ang aming napag-usapan.

Nawala sa isip ko kung paano nagsimula, at kung ano ang nag-udyok sa isa kong kaibigan para magtanong, pero bigla na lang nyang sinabi ang mga salitang ito:
 

“Bakit kaya tayo nagmamahal ng mga taong hindi tayo mahal?”

 

Natigilan kami ng isa ko pang kaibigan. Aba, kung nasa isang programa pa kami sa radyo, ito yung parte ng bigla na lang sisigaw si Mr. Fu ng “Meh gahnon??!” Pare-pareho kaming natawa matapos naming magka-tinginang lahat.

Ilang minuto pa ang lumipas ng pagkukuwentuhan ng kung anu-ano uli, at minsan ay magagawi uli ang usapan namin sa tanong na bigla na lang sinabi ng kasama namin. Maya-maya pa ay nagsalita sya’ng muli, at ito naman ang mga salitang nanggaling sa kanyang mga labi:
 

Bakit hindi natin kayang balewalain ang mga taong balewala tayo sa kanila?”

 

Ibang klase na ‘to. Sa puntong yun eh di na kami mapigilan sa pag-tawa at pag-ulit ng mga tanong na sinabi n’ya. Epekto kaya ito ng kinain naming buffet meal kanina? Tunay na nakakawindang!

Mga higit dalawang oras na rin yata ang nagdaan matapos ang pangyayaring iyon, pero hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang mga salitang nilalaman ng mga tanong na ‘yon. Kung iisipin mo nga naman, bakit nga ba talaga?

Sa ganang akin, ang binigay kong sagot sa  kanila sa unang tanong ay ganito: Ang sagot ay nandun na rin sa tanong mismo.

 
-Ed. E.

Advertisements

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s