CRT Monitor: Tunay na Lalake

Ang tunay na lalake, maaasahan mo pag wala ka ng ibang maasahan pa.

 

Akala ko hindi na ‘ko makakagamit ng PC magmula ng magsimulang pumalya yung LCD monitor na binili ko sa bodega sale ng opisina namin. Nung una yung nagsimulang magbisyo, nadadaan pa nun sa paghintay na mag-warm up ito, kasi matapos ang ilang minuto eh gumagana na ‘yun uli. Kaso, sa katagalan, lalo lang tumatagal bago ito mag-on, hanggang sa ‘di na to mag-on talaga. Mula noon, hindi na kami makagamit ng PC dito sa bahay. Hassle.

Tapos nung isang umaga, tinanong sa ‘kin ng nanay ko: “Sira na ba yung isa pang monitor?” Sabi ko naman, “Oo, kaya ko rin nga binili yung LCD eh, nagbi-bisyo na rin kasi yung monitor na yun dati” Sabi ng nanay ko sa ‘kin, “Subukan mo kaya yun uli?”

Hmmm. Ano pang silbi nun, iniisip ko sa sarili ko nun. Nagloloko na rin yung dambuhalang monitor na yun dati. Kung tama pa nga pagkaalala ko, nagbe-berde na yung display nun. Ahh bahala na nga. Kung wala rin lang akong mapapala, eh di gawin ko na rin. Haha. Adik din ako no?

Kaya ayun, binuhat ko mula sa pinaglalagyan nito yung malaki, mabigat at inaalikabok na HP Pavillion M70 CRT Monitor, at inilagay ko sa dati kong pinagpapatungan ng AOC LCD Monitor. Hindi ko na inisip pang ayusin yung pagkaka-puwesto nito. Para kung di gagana, walang kaso lang. In-on ko yung UPS, hinintay yung halos kinse segundo na mag-warm up ito, saka ko sinaksak yung cord ng CRT monitor.

Uy, umilaw. Saglit pa at in-on ko rin ang CPU.

 

Matapos noon ay bumungad sa harapan ko ang isang makulay na umaga.

-Ed. E.

Advertisements

One thought on “CRT Monitor: Tunay na Lalake

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s