Bara-Barang Paglalakbay

Matagal na panahon na din mula ng huli kaming nagtipon-tipon ng mga ka-barkada ko ng High School. Hindi naman sa lagi kaming gumagala nung nag-aaral pa kami, pero parang tahimik na kasunduan na namin na kahit papano, kahit na pumasok na kami ng kolehiyo, nag-trabaho, nangibang-bansa o anuman, eh maglalaan kami ng panahon para makapagtipon-tipon uli kami. Magtipon-tipon, at pag-usapan uli ang mga guro, kaklase at mga kaibigan mula sa isang malayong nakaraan.

Nitong mga huling araw, medyo naging mahirap makapag-set ng schedule. Yung isa kasi diyan, laging me buhos, habang kumakain ng Hopia. Hehe. Ganun din yung karamihan sa amin, naging abala na din sa pagtatrabaho, sa pag-abot sa aming kanya-kanyang mga pangarap.

Sa isang sitwasyon na tila planado na, na mukhang di mo na mababago pa, isa lang ang nabuo naming solusyon para diyan: ang Bara-Barang Lakad. Sa totoo lang, ako lang yata nakaka-alala ng ibig sabihin ng B.B.L. Pero tuwing ginagamit namin ang hudyat, kahit papano eh umaayon ang mga pangyayari.

Gaya na lang nung isang Sabado sa Megamall.

Sira ang telepono ko kaya di ako makatext. Kulang pa ang load ko para sa mahabang tawagan. Si John eh nakaalis na, pero wala rin siyang load. Si Mark eh dumaan muna sa ospital para magpa-check-up, susunod na lang siya. Kaso, malapit na ring ma-low batt yung cellphone niya. Si Baut… hm.. Oo nga pala, nasaan na si Baut? Me kukunin pa kong shipment sa kanya.

Kaya ayun, pagkagaling ng trabaho at ng isang mahabang team meeting/breakfast, nagtungo na ko sa Megamall, para dumalo sa isang Event na di ko inakalang pupuntahan ko ulit: isang Convention. Ngayon naman, isang Toy Convention ang pupuntahan ko. Pero ganun na din yun. Me mga laruang anime din naman, di ba?

Tsk. Ayokong maging Anime Quest ang araw na ‘to.

Ano ang Anime Quest? Haha. Wag na, sabihin na nating hindi interesanteng pag-usapan yun.

Habang naghihintay kami ni John, unti-unti ko nang naiisip na mukhang hindi naman masasayang ang punta namin. Una sa lahat, mas mura yata yung Entrance Fee kumpara dun sa dating pinuntahan naming Convention dito sa Megatrade Hall. Mas marami pa kong nakitang mga taong naka-cosplay ngayon; mga nilalang na maraming libreng oras at pondo para magsuot tulad ng paborito nilang anime character. At bilang mga “taga-hanga”, ginawa namin ang nararapat gawin sa ganung sitwasyon: magpa-picture. Haha.

Unang beses kong makadalo sa ToyCon, at mukhang mauulit na ‘to kada taon. Nung mga panahong yun, sa gitna ng mga naka-costume na cosplayers, sa gitna ng mga nakapila para sa libreng drinks, sa gitna ng mga nagpapa-picture sa kung saan-saang sulok ng hall, hindi ko maiwasang mapangiti. Dahil higit pa sa lahat ng pighati na maaari mong maranasan sa buhay mo, mero’t merong pagkakataon na gaya nito na mararamdaman mo na buhay ka. Dahil sa buhay na ‘to, gaya ng isang ToyCon Event, marami ang mga tao na makakasalubong mo. Maraming pangyayari ang kailangan mong harapin. Pero sa gitna ng lahat ng ito, hindi mo kailangang magpatuloy sa paglalakbay ng bara-bara.

Lalo na’t kasama mo ang mga kaibigan mo.

Oh, kelan ang sunod na B.B.L?

 
-Ed. E.

Advertisements

2 thoughts on “Bara-Barang Paglalakbay

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s