Pangungulila

Me isang forum ako dati na sinalihan, yung binansagan namin na Unity Forum ng klase namin. Ang intensyon sana namin non eh mag-post yung buong klase sa forum na yon. Wala lang, para sa “unity”. Haha. I-ilan lang kaming nag-post dun, mabibilang mo sa mga daliri ng kamay mo.

Matagal ng walang pumupunta sa forum na yun. Makalipas ang Graduation, hindi na talaga natupad ang mga una naming pinangarap nung nagsisimula pa lang ang Unity Forum. Ako na lang ang madalas pumupunta dun, nagpaparamdam sa shoutbox, kunwari eh me sasagot sa akin.

Sari-sari ang mga paksa na pinag-uusapan namin noon; buhay estudyante, mga paboritong pelikula, at ang di na yata malalaos na paksa tungkol sa pag-ibig. Isa sa napag-usapan namin noon sa isang sub-forum ng Unity Forum ay ang paksa tungkol sa Trial Relationships at sa Long-Distance relationships. Ika nga ng nagsimula ng usapan na yun, windang daw kasi sya. Hehe. Hinihingi nya sa amin noon kung ano ba ang opinyon namin sa mga bagay na ganun. Kaya ayun, pag break sa klase at nakakapag-internet kami sa library, magpo-post kami ng mga sagot namin.

Makalipas ang humigit-kumulang limang taon mula ng nag-post ako sa thread na yun, naisipan kong basahin uli yung mga sinulat ko. Napapangiti na lang ako habang tahimik na nagbabasa, dahil mas lalo pang nagkaroon ng impact ang mga salitang binabasa ko sa nararanasan ko ngayon.


long distance.. hmm, matindi to. kelangan talaga ng commitment from
both parties pra ma pull-off to. sa kahit anu namang sitwasyon sa
relasyon kelangan nun eh. commitment from BOTH parties. ok ang ldr
kung ganito nga. kesa naman sa one-sided affair lang. ganun din sa
kahit anong sitwasyon.

 

..sa long distance, sa abot ng aking makakaya, yoko siya iwan.
mami-miss ko sya ng sobra-sobra, malamang.

Humigit-kumulang mga apat na buwan na kaming magkalayo sa isa’t-isa. Inaamin ko, nahirapan ako sa simula, lalo na nung mga unang bente-kuwatro oras na wala akong balita kung kamusta na ba siya. Nakakapanibago ang pakiramdam, parang isang parte ng sarili mo ang kinuha sa ‘yo. Pero sa mga nagdaan na panahon, natutunan kong ipasa-Diyos ang lahat, na ipagkatiwala ang lahat sa Kanya. Isa pa, wala akong dahilan para magpadala sa lungkot at lumbay ng paghihiwalay. Alam namin na magkikita pa kami uli, maaaring matagalan din bago ito mangyari. Pero pag iniisip ko na magkikita pa kami uli, nabubura ang anumang guhit ng takot o pagkabalisa. Isa pa, magiging makasarili ako kung ipipilit ko ang gusto ko, gayong naiintindihan ko kung bakit kinailangan nyang umalis.

Maaring sabihin ng iba na ako’y nahihibang o nasisiraan ng bait. Haha.. Ika nga nya, sira daw ako. Kung sabagay, naa-aning din naman daw siya eh. :) Sa tuwing naiisip ko siya, walang puwang ang mapait na damdamin ng pag-iisa. Dahil lagi ko siyang kasama dito sa puso ko, at ako nama’y ganun din sa kanya. Maaaring milya-milya nga ang layo namin sa isa’t-isa, pero walang layo ng distansya, o tagal ng panahon, na maaring makaputol sa pagkakaibigan na nabuo namin.

-Ed. E.

Advertisements

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s