Tuyo at Bagoong

At kahit na anong gawin
Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka ng maibubuga

-Apo Hiking Society, Tuyo ng Damdamin
 

Itong kantang ‘to ng Apo ay pumasok sa isipan ko habang kumukuha ako ng ECE Board Exam. Mas angkop pa nga ang title na Tuyo na Utak Ko eh, sa hirap nung exam. Normal lang naman daw yun, sabi ng mga kaibigan ko na nag-test na dati. Pero siyempre, iba pa rin yung maranasan mo yun para sa sarili mo. Kakaibang aroma! Kakaibang lasa! Pambihira, ako’y na WOW-pak na!

Sa ngayon, lahat kaming nag-take ng board ay hinihintay ang resulta. Karamihan sa amin eh negative thinkers, kahit pa yung mga mas lamang sa ‘min sa aral. Minsan nga eh nakaka-asar pakinggan eh, iniintindi ko na lang. Sa ganang akin lang, ipinapasa-Diyos ko na ang maaaring mangyari. At dahil ginawa ko yun, di ko na dapat pa hayaan na pasukin ang utak ko ng kaba at pagdududa.

 

Kahit minsan ay di maiwasan.

 
-Ed. E.

Advertisements

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s