Kanlungan

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

 

Sa dinami-dami ng mga nangyari sa buhay ko, hindi ko maiwasan minsan na mapa-isip at mag-muni muni sa mga bagay na nais kong balikan. Mga desisyon na sana eh ginawa ko dati pa, mga pinalampas na pagkakataon na nais kong balikan at gawin na.

Pero siyempre, imposible na mangyari pa yun. Lumipas na ang takdang panahon para dun at ang tanging magagawa ko na lang ay ang matuto sa mga nangyari, at gamitin ang mga natutunang aral upang maging mas mabuting mamamayan.


Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

 

Tanging mga alaala na lang ng isang maganda, at kung minsa’y masalimuot na kahapon ang tangan ko ngayon. Hindi ko lubos maisip kung anong mangyayari kung sakaling iyon ay mawala pa sa akin. Oo, may mga oras na gusto ko ring makalimot, sa mga bagay na nagdulot sa akin ng pighati. Pero kung pati ang mga masayang bagay na nagdulot sa akin ng ngiti ay malilimutan ko din, ano pang saysay n’on?


Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?

 
-Ed. E.

Advertisements

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s