Pagbabalik-tanaw sa Malayong Nakaraan

Mga humigit-kumulang eh dalawang taon na kong nandito sa Friendster. Mas matagal pa siguro kung kaagad akong nagpa-enganyo sa dalawang kabarkada ko na lumahok dito. Nung una naman talaga eh wala akong balak mag-friendster. Ayun, minsan isang araw, napag-tripan. Kaya eto.

Nagbasa-basa ako nung INBOX at SENT ITEMS dun sa MESSAGES section, at halong gulat at tuwa ang aking naramdaman habang binabasa ko ung mga nakalagay doon. Merong pagkakataon na ang talinghaga ko magsulat, o kaya naman eh mistulang sabog sa pinagbabawal na gamot. Ayos talaga yung naka-save sa SENT ITEMS yung mga pinapadala mong mensahe. Nagkakaroon ka ng ideya kung ano ang mga pangyayaring bumabalot nung mga panahong ‘yon.

Merong isang sitwasyon na nagulat ako dahil di ko inaasahang yung pinadalhan ko ng mensahe eh magre-reply. At di lang reply. Kinamusta pa ko! Napaisip ako non. Baka naging kaklase ko to nung Kinder at ako lang ‘tong nakalimot. Sa sumunod na pinadala kong mensahe eh di na sya nag-reply. Malamang natauhan.

Merong mga pagkakataon na hinayaan kong ang aking damdamin ang mag-sulat. Eh sa masaya akong nakilala kita eh, ba’t di ko sasabihin? O kaya naman eh nakita yata kita nung isang araw. Eh di itatanong ko kung ikaw nga yung nasa bandang harapan nung sasakyan, para makasiguro. Yun yung mga tipong sitwasyon na pag binalikan ko eh sinasabi kong, “Nagawa ko yun?”

Minsan naman eh lumalabas na parang sobrang seryoso ko. Iniisip ko na lang na siguro dahil yun sa nakasanayan ko na ang basahin ang galaw ng mga nakakasama ko. Yung tipong pakiramdam ko eh me problema ang isang tao base sa dami ng period pagkatapos ng bawat sentence nila. Yun nga lang, pag ako na ang nagbabasa nung mga sinulat ko nitong huling dalawang taon, hindi ko mapigilang matawa sa sobrang lalim ng aking pananalita. Wari’y isa akong makatang nagsusumamo sa Maykapal na ako’y kanyang palayain sa mga tanikalang–

Ehem.

Hindi naman talaga eksaktong dalawang taon na ginagamit ko ‘tong Friendster. Nagkataon lang na makalipas ang mahigit dalawang buwan, napa-on ko uli tong PC ko. Sira na kasi yung power supply, kaya laging gulat at tuwa ko nung mag-on ‘to uli. Pag minsan mo lang mapa-on ang PC mo, malamang magkukumahog ka ring gawin ang lahat ng pwede mong gawin dito bago mo ito i-off muli.

Kung papalarin, magkakaroon ng kasunod kaagad ang kathang ito. Tulad ng lahat ng bagay, dapat pa ring manatili tayong positibo na magiging maayos ang lahat.

-Ed. E.

Advertisements

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s