Pulang Ilaw

120505

ayon nga sa isang luma at gasgas na kasabihan, ang buhay ay maihahalintulad sa isang gulong. sa madaling sabi, ang buhay ay hindi parisukat gaya ng isang kahon, o korteng tala na parang parol. ito ay bilog, paikot-ikot, pagulong-gulong. kung mamarkahan mo ng masking tape ang isang bahagi ng gulong, makikita mo na yung kaninang nasa taas yung masking tape eh maya-maya eh nasa baba naman. di ito nagtatagal sa isang lugar lang.

ewan ko, pero kung titignan kong mabuti, mistulang matagal ng huminto ang gulong ko sa pag-ikot. kung hindi man, napakabagal na ng usad nito. hindi ko alam kung hanggang kailan ‘tong gagawin kong paghihintay. ang tanging nais ko lang ay hindi ako mapagod maghintay. ayokong dumating sa puntong gusto ko ng kumalas. wala akong balak sumuko.

ngunit sa bawat pagsilip ng takipsilim, hindi mapigilang lumuha ng mga tala.

-Ed. E.

Advertisements

One thought on “Pulang Ilaw

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s