Duel of the Fates

060605

habang sinusulat ko to, tumutugtog sa earphones ang kantang last waltz ni engelbert humperdinck. sa totoo lang lang, hindi ako magaling sumayaw. isa pa, wala rin akong hilig gawin yon. tsaka, natapos na yung kanta eh, kaya wala na ko sa mood. ;p

ang isusulat ko na lang eh tungkol sa star wars. ayun panalo yung paksang yun. lalo na ung episode 3: revenge of the sith.

sumpain tong dial-up na to. ambagal.

..ahem. yun siguro dahilan kung bakit gustong mag-revenge ng mga sith. siguro ung mga jedi, naka broadband, o kya dsl, o kaya eh ung internet 2 protocol. samantalang ung mga sith, dial-up lang ang kaya ng budget. tapos ung modem pa nila, kelangan mo pang tapikin sa paniniwalang natutulog ung mga electronic components nito kaya nagla-lag.

..yung sine. ah. simula pa lang, hanga na ko sa napapanood ko. tsaka lahat ata ng open loops mula sa mga naunang pinalabas na episodes eh nasara na. limbawa, ung sinabi nung matandang obi wan kenobi tungkol ke anakin skywalker sa episode 4: a new hope: he was the best starfighter in the galaxy. kasi naman, hindi naman pedeng basehan ung ginawang paikot-ikot ni batang anakin sa episode 1: the phantom menace, dun sa battle of naboo. tapos ung buhok ni ewan mcgregor bilang si obi wan eh kapareho na nung ke alec guiness. para siguro matanggap na natin na ganito nga itsura ni obi wan nung bata sya. kung napanood nyo yung bridge on the river kwai, maiintindihan nyo sinasabi ko. ;p

yung porma ni chancellor palpatine dun sa upuan nya nung bihag sya dun sa starship eh parang tulad nung itsura nya sa episode 6: return of the jedi. tapos yung sinasakyan ni senator bail organa eh yung parehong starship na hinahabol ng isang imperial star destroyer sa ep4. ngayon ko lang na-gets na kya pla ganun ung itsura nung mga heavy mechs dun sa episode 2: attack of the clones eh dahil sila nga ung precursor ng AT-AT walkers sa episode 5: the empire strikes back. nung unang panahon, mga animal walkers ung gamit nilang disenyo. kaya nga dun sa ep3 eh kapareho nung mga AT-ST walkers yung sinasakyan ng mga clone troopers sa nung hinahanap nila si master yoda matapos ipautos ni palpatine yung order 66. precursors na rin lang ung usapan, ung mga gamit dun na fighters eh halos katulad na nung mga starships sa mga sumunod na episodes, lalo na ung sa separatist movement. malaki ung pag katulad nito sa mga imperial star destroyers ng mga sumunod na episodes.

isa pang nagustuhan ko dito eh ung mga laban. mga 5-6 ata ung mga naganap na major fights dito. lalo na ung yoda vs palpatine tsaka ung obi wan vs anakin. ung laban ata ni kenobi at skywalker eh pinanood ko ng mga 5-6 na beses. ok sana ung windu vs palpatine, kaso umepal si anakin eh. ang di ko nagustuhan don eh bakit di man lang lumaban si anakin ke palpatine. ung tipong..

anakin: what..have i done?

palpatine: you’re fulfilling your destiny, anakin. that is who you truly are.

anakin: liar!! (anakin aims his lightsaber towards palpatine)

..tapos kukuryentihin sya ni palpatine, tapos unti-unting matatanto ni anakin na mas ‘malakas’ nga ung dark side. sapat upang mailigtas ung asawa niya.

palpatine: do you understand, anakin? become my apprentice. learn the dark side of the force. save.. padme.

anakin: i will do.. what you ask.

kung ganon siguro nangyari eh hindi magmumukhang awkward ung scene.

-Ed. E.

Advertisements

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s