Unang Hakbang

052305

kung anu-ano na lang ang naiisip na raket nitong friendster. kung bakit ko naman naisip na subukan to eh hindi ko alam. ano ba ung blog? naririnig ko na yun dati pa pero hindi ko alam kung anong ginagawa dun. nung bata ako, nagbabasa ako ng funny komiks. merong superhero don na ang pangalan eh si super blag. hindi blog, blag. kasi nung unang beses nyang sinubukang lumipad, di nya makontrol ung bilis nya, kaya sya bumulusok pababa hanggang sa.. blag. ewan ko, kung anu-ano na lang sinusulat ko dito. wala namang magtyatiyagang magbasa nito di ba? kung meron man, malamang wala na talaga syang ibang maisip gawin kya panay na lang ang pag-click sa kung saan. me super blag pa kaya sa funny komiks ngayon? ang mahal na kasi eh. mabuti pa nung bata pa ko, mga humigit kumulang limang piso lang ang isang issue. maangas pa ung mga superhero. walang tatalo ke combatron, tandaan niyo yan. ung mga nagsasabi na katulad lang siya ni megaman eh nagkakamali sila. eh lampa naman yun si megaman eh. umaasa lang yun sa mga kinokopya niyang armas sa mga natatalo niya. binase ko to doon sa larong megaman and bass ng snes. puro mga maliliit na bola ang pangunahing armas ni megaman. ang talagang madaling kalaban lang don eh ung si cold man. para dun sa mga sumusunod na boss, kelangan dumepende na si megaman sa mga upgrades nya. anong kinapareho nya ke combatron? meron ba siyang nuclear eye beams? wala! meron ba siyang combatron hip discs? pag ginamit na ni combatron yon sabay tira ng omega laser, HA! wala ng ihaharap na mukha ang mga asungot na space warriors na yan. higit sa lahat, meron ba si megaman ng galactic space sword? WALA! kahit dun sa mga asong robot nila, wlang binatbat ung aso ni megaman ke dobbernaut, kahit pa ke askal. sayang talaga at hindi ko man lang naabutan ung katapusan ng kwento sa funny komiks. naging sobrang mahal na ata non eh, o kya eh wla ng malapit na tindahan ng diyaryo sa amin. sa mga huling issue na nabasa ko, natalo na si megadeath. kaso, si death metal ay sinaniban ng isang nilalang na di ko na maalala ung pangalan. patay na ata si metalika nun, bwiset na megadeath yan. pati rin ata c axel, di ko lang maalalang mabuti. tapos me bagong karakter na kamukha ni combatron ung suot, pero babae sya. tapos si death metal, kasi nga sinaniban, naging masama ulit siya. kaya tuloy laban uli sila ni combatron.

ang mga sumunod na pangyayari eh nilamon na ng panahon.

-Ed. E.

Advertisements

What did you think of this entry? Would love to hear your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s